Sari-saring kwento mula sa iba't-ibang tao. Ang daming version, ang daming opinyon. Hinahanap kung sino ba dapat ang sisihin. Humihingi ng hustisya. Naghahanap ng katarungan. Nagagalit sa mga pabaya at nagkulang. Nalulungkot para sa naiwan ng bawat biktima.
Sa loob ng halos 5 taon na pamamalagi ko sa Bulacan State University Malolos, hindi ko pa nakita ang unibersidad na ito na dumaan sa ganitong pagsubok. Hindi talaga biro ang issue na to. May mga namatay, may mga naiwan, may mga nagagalit, may mga tumatawa. Lahat apektado. Lahat ito ang usapan. May kanya-kanyang reaksyon.
Kaya naman naisipan kong gumawa ng blog post sa malungkot na pangyayaring ito. Hindi para makialam, hindi para magpasikat, hindi para hingin ang pag-sang-ayon ninyo, hindi para manisi, hindi para magmagaling, kundi PARA IPAABOT ANG AKING MENSAHE sa bawat isa sa inyo.
Alam kong maraming reaksyon ang makukuha ko mula sa inyo. Pero ano man yan, pangit o maganda, nakakasakit o nakakapagbigay ng tuwa, hindi mahalaga sa akin yan. Dahil sa oras na ito gusto ko lang iparating ang nasa aking isipan.
MENSAHE PARA SA AKING ALMA MATER (BULACAN STATE UNIVERSITY MALOLOS)
Una sa lahat nais kong magpasalamat sa iyong pagkupkop sa akin sa loob ng 4 na taon. Marami akong ala-ala habang nasa mga pagkalinga mo. May mga masaya at mayron din namang malungkot. Minsan din tulad ng iba ay nagreklamo ako sa haba ng pila para lang makapag-enroll. Naranasan kong hindi kumain ng tanghalian para lang matapos ang proseso ng enrollment. Tulad din ng iba nagreklamo ako at naasar sa "bulok" na sistema na sinasabi ng karamihan. Naalala ko din na lumusong ako sa baha sa Roxas Hall habang kasagsagan ng malakas na ulan sa kagustuhang hindi mahuli sa aking klase. Naramdaman ko din ang hirap ng aking mga magulang sa mga bayarin na kung tutuusin ay hindi naman dapat.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, may mga bagay akong natutunan mula sayo. MAGMAHAL NG WALANG KONDISYON. MAGMAHAL SA KABILA NG PANGIT NA NAKIKITA NG MATA. Masasabi kong hindi ka perpekto, maraming pangit sayo, at may mga bagay na dapat pang i-ayos lalo na sa sistema mo. Pero kahit ano pa man ang mga pagkukulang at kapintasan mo, MAHAL PA DIN KITA BULSU. Utang ko sayo ang aking edukasyon. Alam kong may mga bagay na hindi ka naituro sa akin, pero ano man ang hawak ko ngayon mula sayo ay gagamitin ko sa totoong mundo.
Marami man ang bumabatikos sayo, buong puso pa rin kitang susuportahan dahil alam kong hindi mo hangaring mawala ang mga anak mo. Hindi mo ikasasaya ang pagpanaw ng mga estudyanteng inaalagaan mo. Naniniwala pa din ako sayo BulSU. Marami ka pa ring pangarap na isasakatuparan at mga talentong lilinangin sa bawat henerasyon. Malalampasan mo ang pagsubok na ito at ipapanalangin ko ang pagsulong ng mga adhikain mo.
MENSAHE PARA SA PAMILYA NG BIKTIMA
Para po sa pamilya ng mga biktima (Madel Navaro, Jeanette Rivera, Maiko Bartolome, Sean Rodney Alejo, Mikhail Alcantara, Michelle Ann Bonzo, Helena Marcelo, #RIP).
Alam ko pong wala ako sa katayuan para magbigay ng mensahe dahil unang-una hindi nyo po ako kilala at ganoon din po ako sa inyo. Wala po akong karapatan na sabihan kayo ng kung ano ang dapat at hindi dapat dahil hindi ko alam kung gaano ang sakit na nasa puso nyo sa panahong ito. Ngunit kahit ganoon po gusto ko lang pong sabihin na pati po ako ay nalulungkot sa nangyari.
Alam ko pong masakit mawalan ng mahal sa buhay. Nang makita ko po ang larawan ng mga biktima may panghihinayang po akong naramdaman. Naisip ko na maraming pangarap pa ang dapat naabot sana nila. Pero kahit ano'ng sakit ang dulot nito sa ating damdamin, dapat nating harapin ang realidad. Tanggapin ang katotohanang wala na sila.
Ang buhay natin ay pahiram lamang ng Diyos at Siya lang din ang nakakaalam kung kailan ito babawiin sa atin, sa iba't-ibang kaparaanan. Ang malungkot sa nangyari, ito ay biglaan at hindi tayo handa.
Normal din po na humingi kayo ng hustisya at katarungan. Naiintindihan ko pong nais nyong may managot sa nangyari at malaman kung sino ang may kasalanan. Pero nais ko din pong sabihin sa inyo na maraming pangarap ang masisira kung patuloy na maaapektuhan ng mga nangyayari ang reputasyon ng BulSU.
Huwag naman po sana nating hayaan na ang naudlot na pangarap ng 7 biktima ang pumigil naman sa pangarap ng libo-libong mag-aaral ng unibersidad.
Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Nakakadurog ng puso. Pero naniniwala ako na mayroon pa ding puwang ang pagpapatawad diyan sa puso nyo. Naniniwala din po ako na kung nasaan man po ang 7, hangad din nila ang katarungan, pero hindi nila gustong magdusa sa lahat ng ito ang unibersidad nila.
Hindi ko po hinahangad na maapektuhan ng liham na ito ang mga hakbangin na gagawin nyo laban sa BulSU, ang gusto ko lang pong iparating sa bawat isa, lalo na sa inyo na nawalan ng mahal sa buhay; MAIKLI LANG ANG BUHAY. Hindi mo man isipin ang KAMATAYAN, isa lang ang sigurado, darating ito sa iyo, sa akin, at kahit kanino, kaya iukol natin ng maayos at matalino ang bawat oras at araw na mayroon tayo sa mundong ito.
Muli po ay nakikiramay ako sa inyo ng buong puso at hangad ko po ang katarungan para sa mahal niyong biktima sa trahedyang ito. Ipagdarasal ko po ang patuloy na paggaling ng sugat sa puso ng bawat isa. Ipagdarasal ko din po ang 7 biktima.
Pagpalain po tayo ng ating Panginoong Jesus.
MENSAHE PARA SA MGA ESTUDYANTE NG BULSU
Nakakatuwa dahil iba't-ibang opinyon ang nababasa ko sa facebook group natin. Sari-saring saloobin. May mga nagagalit sa BulSU, mayron din namang nagpapakita ng kanilang pagsuporta at pagmamahal. Yung iba halatang hindi pinag-iisipan ang komento, mayron din namang mula sa malikot na imahinasyon. Patunay lang ito na apektado ka ng nangyayari sa paligid mo at higit sa lahat sa unibersidad na kinabibilangan mo.
Oo sikat na nga ang BulSU. Napapanuod mo siguro sa lahat ng istasyon ng telebisyon. Marahil nahihiya ka dahil ang kasikatan ng mahal mong paaralan ay dulot ng masama at negatibong balita. Siguro yung iba naiisip nang lumipat ng school. Yung iba naman walang pakialam. Pero mayroon grabe ang emosyon, daig pa ang kapamilya ng biktima kung magalit.
Isa lang ang gusto kong isaisip mo kapwa ko BulSUan. KAILANGAN KA NG UNIBERSIDAD MO. Sino ba ang magtatanggol sa kanya? Taga-ibang school ba? Taga-media ba? Sa tingin ko hindi. Ang magtatanggol sa kanya ay walang iba kundi ikaw na bumabasa nito ngayon. Ikaw na may puso at malasakit para sa unibersidad na pinili mong pamalagian ng 4 o higit pang mga taon. Ipakita mo ang pag-ibig sa kanya! Ipakita mo ang iyong suporta! Ipaglaban mo siya! Pero iba ang suporta sa pakikialam. Iba ang pagmamahal kaysa pag-epal.
Paano mo maipapakita ang iyong suporta at pag-ibig sa BulSU? Simple lang. Sa halip na magkomento ka ng kung ano-anong bagay na hindi naman nakakatulong, i-ukol mo na lang ang iyong panahon sa pagdarasal para sa ika-re-resolba ng problema. Kung walang magandang mapupulot sa komento mo lalo na sa facebook, mas maganda kung tatahimik ka na lang. Ayon nga ng kasabihan, "Less talk, less mistake."
Hindi ko pinagbabawalan ang karapatan mong ipahayag ang iyong saloobin. Hindi ko nais na pigilan ang mga nais mong sabihin. Ang nais ko lang maisip mo ay dahan-dahan sa pag-apak sa unibersidad na tinutungtungan mo. Dahan-dahan sa pagsira sa paaralang pinaglalagakan mo ng utang na loob. Hinay-hinay sa pagsira sa institusyong ang nais lamang ay bigyan ka ng edukasyong magagamit mo sa iyong kinabukasan.
Edukasyon ang susi upang lumaya mula sa kamang-mangan. Kaya tayo nag-aaral ay upang magkaroon ng talino at kaalaman. Ipakita nating edukado tayo sa pamamagitan ng pananahimik at paghinto sa pagkakalat ng balitang ikakasira ng tahanang pumapanday sa ating isipan at kaalaman (BulSU). Ayon din sa isang kasabihan, "Ang ilog na maingay, ay yung ilog na mababaw." Ipakita nating hindi tayo mababaw. Patunayan nating hindi sayang ang baon na ibinibigay sa atin ng ating magulang para lang makapag-aral.
Inuulit ko, BulSUan, kailangan ka ng ating unibersidad!
MENSAHE PARA KAY HIRO MALLARI
Pasensya na kung pati ikaw ay mayroong mensahe mula sa akin. Alam kong hindi mo ako kilala at tulad ng nasabi ko kanina wala akong karapatang panghimasukan ang saloobin mo ngayon. Pero kahit ganoon, gusto kong sabihin sayo na nakikiaramay ako sa pagkawala ng mahal mong si Mich Bonzo. Minsan talaga mayroong pagkakataon sa buhay nating kailangan maghiwalay para may matutunan.
Hindi ko alam kung ikinatutuwa mo ang popularidad na nakukuha mo ngayon mula sa netizens at media, pati na din sa kapwa BulSUan natin, pero isa lang ang gusto kong iparating sayo. MAGPAKA-LALAKI KA. Kung ako ang tatanungin mo, hindi siguro matutuwa si Mich na ganyan ka. Mahihirapan siya lalo kung hindi mo siya papakawalan diyan sa puso mo. Nababasa ko ang mga status mo sa facebook, at hindi ako sang-ayon sa pagpost mo nang mga bagay tungkol sa inyo ni Mich. Ang punto ko lang dito: Huwag naman sana magamit ang pagkamatay ni Mich para sa ikasisikat mo. Huwag mong gamitin si Mich para sumikat. Marami akong kakilala na nawalan ng mahal sa buhay pero hindi nila ginamit ang social media para ilabas ang kanilang sama ng loob at lungkot. Hindi kita pinakikialaman pare, hindi ko din alam ang intensyon mo sa mga status mo, pero sana mali ako na gusto mo lang ng madaming likers/followers. Sana nga mali ako.
Nakita ko din sinabi mo na binago ka ni Mich, patunayan mo sa kanya. Mag-aral ka ng mabuti. Pilitin mong manguna sa klase. Humanap ka ng magandang trabaho. Gawin mo siyang inspirasyon. Mas mapapakita mo sa kanya sa pamamagitan ng mga ginagawa mo kung gaano mo siya kamahal kaysa sa mga sinasabi mo at nang facebook account mo.
Hindi ako basher ah. Pero 6 or 7 months ay hindi pa naman gaano katagal. Nalulungkot ka siguro dahil nagsisimula pa lang kayo at natapos nang ganon-ganon lang. Pero sa oras na maka-move on ka, makakahanap ka ng ibang babae na magpapasaya sayo. At sa oras na masaya ka na, alam kong magiging masaya din si Mich para sayo. Huwag kang magsasalita ng tapos. Huwag kang magsasabi ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan tulad nang hindi mo kayang mabuhay nang wala siya, o hindi mo alam paano magsimula. Bata ka pa at marami ka pang karanasan na masasalubong sa paglakad mo sa mundong ito. Magpakatatag ka. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot at pangungulila.
Hindi ko sinasabing balewalain mo ang 6 o 7 buwang pinagsamahan niyo ni Mich dahil alam kong makahulugan ito para sa inyong dalawa. Normal lang na malungkot ka at magdalamhati. Pero sa lahat ng nagyari at mangyayari pa, maging responsable ka sa mga sasabihin at gagawin mo lalo sa sitwasyong ito. Oo nga at natapos ang panahon ni Mich. Naubos na ang kanyang pagkakataong mabuhay. Pero hindi pa katapusan ng lahat sa buhay mo. May dahilan pa din para magpatuloy ka. Mahal mo si Mich at kailangan mo siya, pero may mga taong nagmamahal din sayo at kailangan ka din nila. Ang pamilya mo, ka-klase, mga kaibigan at barkada.
Huwag mong ilagay lahat ng bigat diyan sa dibdib mo dahil hindi lang ikaw ang nawalan. May mga magulang na nagpaka-pagod at naghirap para itaguyod ang kapakanan ng anak nilang hindi nila inaasahang mawawala sa isang iglap. May mga kaibigang nangungulila dahil kahit kailan hindi na nila maririnig ang masasayang tawa mula sa kanilang kaibigang hindi sila gustong iwanan. Lahat sila durog ang puso sa mga panahong ito tulad mo.
Hindi lang sa iyo sumisikat ang araw, pati sa kanila, at pare-pareho kayong nalulungkot sa kadilimang unti-unting bumabalot sa kapaligiran dulot ng paglubog nito. Pero isa lang ang sigurado, bukas sisikat muli ang araw dala ang liwanag niya para sayo, sa kanila, at sa ating lahat.
Umiyak ka hanggang gusto mo. Pero sa oras na napawi na ang mga luha mo, huwag mong kalimutang tumayo at bumangon ulit sa pagkakadapa. Huwag mong pigilan ang pag-ikot nang mundo dahil tuloy-tuloy lang ang ikot nito. Tuloy-tuloy lang ang buhay.
Muli nakikiramay ako sa pagkawala ni Mich. God bless you.
(Credits to the owner of the photos)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Mensahe Tungkol sa BulSU Malolos - Madlum River Tragedy
Sari-saring kwento mula sa iba't-ibang tao. Ang daming version, ang daming opinyon. Hinahanap kung sino ba dapat ang sisihin. Humihingi ...
-
Sari-saring kwento mula sa iba't-ibang tao. Ang daming version, ang daming opinyon. Hinahanap kung sino ba dapat ang sisihin. Humihingi ...
Natutuwa ako sayo author.. lahat ng gusto kong sabihin nasabi mo. :) I think we have the same insight, especially the last part kaso hind q nlng mapost kc takot aq sa basher.. hehe thumbs up! ;) God bless.
ReplyDeleteHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
DeleteSana lang po kasing lawak ng pang-unawa niyo yung mga nakakaalam, nakikialam, nakikicomment at yung mga talagang involve sa problemang ito. Kuhang kuha mo ang pag-iisip ng isang taong handang makinig sa magkabilang panig hindi yung may narinig ka lang nagreact ka na ng padalos dalos. Godbless po :)
ReplyDeletemaraming salamat sa comments. God bless.
ReplyDeleteVery well said. Very substantial. Dun naman sa part ni Hiro, well expect na naten na mejo maraming magre-react ng nega, but for me, ok sya. Di pa naman katapusan ng mundo. Everything happens for a reason, ika nga.. Sana ma-gets din nila yung gusto mo i-point-out. Good Job Kuys!
ReplyDeleteHaaayyy kuyaaaa salamat at may nabasa akong maganda ganda. Sana lahat ng tao ganyan din kalawak ang pag iisip.
ReplyDeleteHear, Hear!!! Lalo na dun sa part ni Hiro.
ReplyDelete(Y) idol ko na author nito lahat ng di ko kayang sabihin di mo kayang sabihin dahil umiiwas ka sa mga away at mga epal sinabi na dito . kapwa bulsuan din ang sumisira ng image ng bulsu . kung bulsuan ka suportahan mo ang bulsu hindi yung ang dami mong sinabii patuloy ka pa din naman pumapasok !
ReplyDeletetama!! sana lahat ng kabataan ganyan kalawak magisip,! thumbs up for the author.! im proud to be BULsuan. :) (y)
ReplyDeletelove it! sana magpalawak ito sa isip ng bawat taong makakabasa :) proud BULsuan!
ReplyDeletebaka naman ma MMK ka nyan author? just kiddng halos binuod mo na ung gusto ko din sa sabihin sa school page natin pero naisip isip ko din na hindi na magcomment since sa sayang ang oras.. mahirap din makipag argue sa mga bata.. alumni din ako ng bsu at 2 course and 9 Fucking years ako sa school kaya ramdam ko lahat ng hinanakit ng mga nandyan pero tama nga ung nagpost nito.. sino ba magtatanggol sa school natin kundi tayo din mga alumni at mga current na magaaral dito.. sana kundi man lahat eh karamihan ng mga dati at current na estudyante ganyan din magisip sa iyo.. (y)
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteSa part ng parents, wala tayo mggwa npkaskit sa part nila mwalan ng anak pero time can heal, pag pray nlng nten mrealize nila oras na tlga nun 7 na nmatay. Yun lng ang way ng pagkuha sknilang mga anak.
DeleteFor bulsu nman, sana nextime kung magttour na gnun, mgng aral na nangyre, hindi dhil sa waiver na pnapa sign nila wala na cla pananagutan sa mga mangyyre responsibility pa din ng school at dpat pa rin nila iguide mga estudyante lalo't minor pa.
salute for the author very substantial ang message mo.
Magaling! Mabuhay Ka!
ReplyDeleteTrue words have been spoken regarding that Hiro Mallari Guy! You just read my mind. Di na healthy ang mga ginagawa nya, to be honest.
ReplyDeleteI'm liking this blog!
Good read.
ReplyDeletelast part ng blog da best..halata naman kung ano yung totoong intensyon ni hiro,.di ko sya kilala at nagsearch lang ako sa fb kung sino sya ...sa mga ginagawa nya nagtagupay sya sa intensyon nya kung ano man yun pero kita na tlga kung ano yun...
ReplyDeleteNapaka husay mong manghusga ng taong di mo pala kilala, anong klaseng research ginawa mo baka kung subject yan s school panigurado bagsak kana. ipagdasal mo nalang na di mangyari sayo yan..God Bless sayo
DeleteSa wakas .eto ang isang tao na may bukas na pag iisip na marunong makinig at magsalita eka nga e pranka .. Thumbs up
ReplyDeleteRegarding sa last part. Just want to clear things out. If you don't know the person well, don't judge. JUST DON'T JUDGE. God bless everyone! :)
ReplyDeleteNakakatuwa naman itong author na ito. Proud po ako sayo! Hindi po ako BulSuans pero proud po ako para sainyo. Minsan talaga sa buhay natin, pag tayo na, tayo na talaga ee. Para sa akin wala nman dapat sisihin sa nangyari ee kasi kalikasan ang kumuha ng buhay nila ee hindi naman ang kapwa tao nila ee. Ang makkasagot lang talaga sa mga nangyari ay si God! Alam kong may purpose lahat ng yan kaya nangyari po yan. Sa mga taga BulSuans dapat maging proud kayo sa paaralan niyo dahil yan ang naghubog sainyo, di nman nila inasahan na mangyayari yung ganung trahedya ee. At para sa akin may mga OWN PARTICIPATION tayo sa nangyaring trahedya na yan ee alam na natin ang tama sa mali at makakasama sa atin sa makakabuti sa atin ee. Nagkulang nga ang paaralan pero mas nagkulang tayong mga tao ee kasi alam nman natin kung mapapahamak tayo o hindi ee. Parang tayo din po gumawa ng ikapapahamak natin. Pero it is God's will na po talaga. Mag pray nalang po tayo palagi. Rest in Peace po sa lahat ng nasawi alam kong nasa piling na kayo ni God dahil mabubuti kayong tao. Sana habang nasa lupa pa tayo gumawa naman tayo ng makabuluhan para sa sarili natin at sa bayan natin hindi yung magcocomment tayo ng di magganda. Parang ibinababa niyo ang pagiging mabuting pilipino natin at pagiging kabataan natin. Sabi nga ni Rizal Ang Kabataan ang Pag asa ng bayan. Nasan ang role nating mga kabataan ngaun. Be a productive citizen of the philippines! #ProudForBulSuStudents #JILianAko #PrayforBULSU
ReplyDeleteLet him do what ever he want's.
ReplyDeleteJust " LIVE AND LET LIVE " LOLS
definitely brilliant insight. superb! mataba ang utak ng author nito.
ReplyDeleteBuksan ang tenga at makinig, lawakan ang isipan. "LAHAT MAY DAHILAN"
ReplyDelete@R-JAY R-JAY R-JAY. \m/
lopit nito ..astig..dapt ikalat to...galing mo pre..
ReplyDeletetama naman ang author
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletengayon lang ako nag basa ng ganyan kahaba at na enjoy ko sya ng sobra esp. sa first 3 stanza .. Clap Clap sayo Author !...
ReplyDeletemy point ka sa mga sinabi mo ..
2thumbs up for u..nakakalungkot talaga nangyari sa aking pinakamamahal na BulSu...kung ano man ang narating ko at mararating pa sa buhay isa ang BulSu sa ngtupad noon....kaya sana matapos na to at muli kang bumangon BulSu.....
ReplyDeleteNakikiramay po ako sa lahat ng nawalan ng minamahal sa buhay...#RIP
i agree.. as alumni..masakit para sakin na makita ang BulSU na binabatikos tungkol sa ngyaring pagkamatay ng 7 studyante na ang isa sa namatay ay kapitbahay pa namin.
ReplyDeletesa 5 taon ko sa Bulsu at sa history na rin eto na ata ang pinakamabigat na problema na kinahaharap ng eskwelahan. kaya sana sa kapwa ko BuLSUan wag na natin ibagsak ang ating eskwelahan bagkus ay tulungan nating ibangon ang pangalang BULSU.
Maraming salamat po sa pag-aaksaya ng oras para basahin ang blog post na ito. Mabuhay kayong lahat! Bangon BulSU!
ReplyDeleteVery well said Kuya. Salute! Sana lahat katulad mo mag-isip, malawak. God bless :)
ReplyDeleteMawalang galang na po, may mga punto ko sa sinabi mo pero mayroon akong ilang puna, hindi po siguro masusukat sa araw buwan o taon ang pagiibigan ng dalawang tao, iyan po ay sa kung paano nila ginugol ang mga panahong yun kapiling ang isa't isa, wala naman po siguro syang kasalan kung mabigyan sya ng atensyon ng mga netizens dahil sa mga posts nya, hindi iyon nangangahulugang ginagamit nya o gagamitin nya ang pagkamatay ng kanyang nobya para sumikat, sino po ba ang nagshare, nagcomment at naglike? Sya po ba? Sana po ay naisip nyo rin na ilang araw pa lang ang lumilipas simula ng mangyari ang trahedya lalo na at kalilibing lamang ni mich, kadalasan po ay nsa denial stage pa rin ang ibang tao na nakaranas nito, kung sa pagpopost lamang sa fb nya naidadaan ang sentimyento nya sana po ay hayaan na lng natin sya, dahil doon nya naipapahayag ang kanyang kalungkutan. Tama po may ilang post sya na hindi na maganda ang tema para sa nagdadalamhati, kaya nga po mayroon tayong pamilya at kaibigan para tumulong, umunawa at gumabay. Lilipas din ang panahon at maiisip rin nya na dapat ipagpatuloy ang bihay ng wala na si mich, pero sana po ay pagbigyan muna natin sya dahil sariwa pa ang pangyayari at sino man ay walang karapatan para pakielaman at husgahan sya lalo na kung hindi natin sya lubusang kilala. Kung naranasan mo na ang kanyang pinagdaanan at NAGPAKALALAKI ka tulad ng sinabi mong MAGPAKALALAKI sya ako ay saludo sayo, at ano nga ba ang ibig sabihin mo sa MAGPAKALALAKI sya sa ganitong sitwasyon? Kung hindi mo pa nararanasan ang pinagdadaanan nya sana po ay iwasan na lng manghusga ang manghimasok sa buhay ng iba at sana ay wag naman na maulit at mangyari pa kahit kanino man. Godbless
ReplyDeleteInirerespeto ko po kung ano mang komento ng bawat isa dito. Maganda man, o pangit. Positibo o negatibo. Tulad ng sinabi ko, hindi po mahalaga sa akin ang inyong reaksyon dahil wala po akong gustong saktan o husgahan sa aking post na ito. Ito na marahil ang huling komento ko para ipaliwanag ang aking sarili laban sa mga sumusuporta kay Hiro na ang tingin sa akin ngayon ay isang basher.
ReplyDeleteKung binasa mo ang mensahe para kay Hiro ng bukas ang isipan hindi mo iisipin na masama ang mga sinabi ko. Pero karamihan sa napapansin kong komento ng mga taga-suporta ni kay Hiro, pinili niyo lang ang gusto niyong intindihin at mali ang inyong interpretasyon.
Ang aking mensahe para sa kanya ay mensahe ng pakikiramay yun nga lang hindi sa paraang ordinaryo tulad ng mga nakikita ko. Halimbawa, "Kaya mo yan kuya hiro. Nalulungkot ako sa nangyari kuya hiro. Kawawa ka naman kuya hiro."
Sa aking mensahe para sa kanya, tiningnan ko siya bilang isang ganap na binatang may sapat na isipan at responsable sa mga nangyayari sa kanya. Hindi ko siya tinuturing na batang 5 taong gulang na may musmos na isipang dapat utuin para sa ikaluluwag ng kanyang damdamin.
Tulad ng sinabi ko. Kailangan harapin ang realidad at hindi ko siya pinagbabawalan at pinapakialaman sa mga gustong gawin niya sa kanyang buhay. Ang mga nasabi ko lalo na sa issue ng pagsikat, likers/followers ay pawang opinyon lamang (kaya nga mayroon dun SANA MALI AKO). Hindi ko hinuhusgahan ang idolo niyo.
Oo nga marahil hindi ko pa naranasan ang katulad ng sa kanya, pero naranasan ko na ding mawalan at mamatayan ng taong mahalaga sa akin. Nagsasalita ako base sa aking karanasan at kung ano ang aking natutunan lalo na sa pagbangon mula sa lungkot.
Maraming salamat po sa inyo.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehinde nmn ata tamang bigyan ng msasamang malisya yung nakikita nyong pag popost ni hiro hinde nya ko kaibgan hinde nya din ako kilala .pero hinde nmn agad agad tayong mkakalimot sa taong nag mahal sa atin at minahal ntin wala tayong magagawa kung dun ni lalabas ni hiro yung pangungulila nya sa taong mahal nya na agad biglang nawala sa kanya wag nyo pag isipan kasi agad na ginagamit ni hiro na pag sikat nya yung pag kawala ni mitch ang dumi kasi agad ng isip nyo hinde nmn bagay o laruan yung nwala sa knya e sa susunod na gagawa ka ng blog i ayos mo d kasi maganda yung gagamitin mo yung blog mo na to para ikaw nmn ang sumikat ^_^ xample yan sa ginawa mong comment kay hiro d ba ka pangit na bibigyan mo agad ng malisya yung mga nkikita nyo at nababsa nyo
ReplyDelete[1]
ReplyDeleteThis will be a lengthy comment, so I hope you take time to read through it.
In defense of a high school friend, Hiro, I'd like to comment on a few things you said.
You said it yourself. You do not know him. And I could guess you don’t know anything about what they have been through together. So what gives you the right to judge him, write against him, and even sugarcoat your words in a seemingly nice manner, whose clear intention is to say shit about him and his way of expressing himself? I’m just saying. If you’re going to do it, DO IT. Don’t try to sound fancy and claim you’re not a basher, when in fact, you are.
I have a question for you. Have you loved someone to the point that s/he meant the world to you? Have you experienced that kind of love? If yes, have you lost him/her? Lost in a sense that life has been taken and there’s no way you’d ever have them back? Well I guess not. Because if you have, I don’t think you’d be able to put everything as if it were that simple. I seriously hope you wouldn’t have to experience that kind of loss, EVER, before you could finally understand how hard it really is.
“MAGPAKALALAKI KA.” What do you know about pagpapaka-lalaki? Can you educate us about that too? Perhaps you can make another blog about it, which I would be very excited to read. Lay down your criteria on how you could consider an act as “pagpapaka-lalaki.” And surely, ‘showing your weakest side at a time of deep remorse’ will be counted off the list.
People have different ways of coping with problems, and if posting on social media is his way of dealing with his, then let him be. Who are we to assume that he’s doing that for the sole reason of gaining likes and followers. That, I believe, is a very shallow mode of thinking. In our generation today, although it’s hard to admit, social media has become more of a necessity, rather than a mere want. We update our sites as if they were an online diary, and just like a diary, they contain our stories that mean the most to us, or those that have the greatest effect on us. Ever felt like you needed to vent to a friend about something that has hurt you deeply? It’s like the same thing. Only that, social network doesn’t require a two-way exchange. It lets you vent your heart out, which I believe, is a healthy thing to do for him as this can be his coping mechanism.
[2]
ReplyDelete“Pero 6 or 7 months ay hindi pa naman gaano katagal.”
This line made me cringe. To measure the depth of a relationship through the time they were together is total bullshit. And now people are applauding you for your ‘malawak na pag-iisip.’ And you, once again, sugarcoat this message to Hiro (based on your recent comments) as ‘pakikiramay.’ As far as I know, to sympathize is to understand what the person feels. And you clearly don’t.
“Huwag kang magsalita ng tapos. Huwag kang magsasabi ng mga bagay na hindi mo kayang panindigan tulad ng hindi mo kayang mabuhay nang wala siya, o hindi mo alam paano magsimula.”
RJay. It’s been like a week since his loss. And I think it’s unfair to impose on him what he can and cannot do. What he must and must not do. And just because “hindi lang siya ang nawalan”, that robs him off his right to grieve. Let him do what he wants to do. He will heal (as what you are trying to say in your blog too), but let him do it his way, in his own pace.
All I’m saying is, Hiro is having enough emotional stress right now, and a message like this to him will clearly not help him. You mentioned in your comment, “Wala po akong gustong saktan o husgahan sa aking post na ito.” Well guess what, you did. Just because you ended your judgmental statement with a “SANA MALI AKO”, doesn’t mean it defeats the purpose of presupposing his intentions behind everything he’s doing.
Ang punto ko lang dito: Huwag naman sana magamit ang pagkamatay ni Mitch at ang pagluluksa ni Hiro para sa ikasisikat mo. Huwag mong gamitin sina Hiro at Mitch para sumikat. Hindi kita pinapakialamanan RJay. Hindi ko din alam ang intensyon mo sa blog na ‘to, pero sana mali ako na gusto mo lang ng madaming likers/followers. Sana nga mali ako.
How does it feel like? How does it feel like for other people to seemingly put words in your mouth, contrary to what you really want to say? How does it feel like to be perceived with ulterior motives and malicious intentions, when you just want to express your thoughts and your feelings?
Because RJay, you did all these to him.
Dahil sa blog post ko na ito sari-sari ang natatanggap kong komento. Pero gusto ko lang linawin na hindi ko intensyong magpasikat at magmagaling tulad ng sinabi ko sa intro ng blog post ko. Nagawa ko ang mensahe na to sa kagustuhang gisingin ang kapwa ko BulSUan sa mga nagyayari. Wala akong hinuhusgahan at pinaninindigan ko lahat ng isinulat ko dito!
ReplyDeletePara sa mga taga-suporta ni Hiro Mallari hindi po ako basher tulad ng ipinaparatang niyo sa akin. Oo nga siguro hindi ko siya kilala pero wala akong nakikitang mali sa isinulat ko. Ang hangad ko ay malampasan niya ang mabigat na sitwasyong kinalalagyan niya. Huwag niyong isiping ginagamit ko ang nangyaring ito para sumikat o dumami ang likers/followers, o readers ng aking blog dahil hindi ko hangad ang popularidad. Huwag sana maging sarado ang isipan niyo. Tinatawag niyo akong manggagamit dahil nagsulat ako ng blog tungkol sa nangyaring trahedya, pero nung may gumawa ng kanta para sa idolo niyong couple tinawag niyo itong pakikiramay? Hindi kayo patas mag-isip.
Huwag niyong ibaling sa akin ang atensyon dahil hindi ko kailangan yan. Ang gawin natin ay ipanalangin na ma-resolba ang problemang kinakaharap ng ating mahal na BulSU.
Huwag niyong basahin ang blog ko kung sarado ang isipan niyo at ang hangad niyo lang ay humanap ng mga pagbibintangang kaaway.
Inuulit ko malaya kayong magkomento sa aking naisulat. Malaya kayong ipahayag ang inyong saloobin. Pero sana lang pagkatapos ng lahat, huwag nating kalimutang kailangan tayo ng BulSU sa mga oras na ito at hindi makakatulong ang ano mang pagtatalo.
Nakikiramay po muli ako sa mga nawalan ng mahal sa buhay.
Nakinig ka ng mga balita pra humusga hindi para maintindihan ang sitwasyon! Kung tlagang wala kang pakialam s mga komento ng iba bakt napakadeffensive m?!!!! Bata ka pa!!! Hindi nalalaman s ikli ng samahan ang laki ng pagmamahalan ng isat isa!!!! Kung ikaw sasabihan m ung HIRO n magpakalalaki ikaw ba nasabi m dn s sarili m yan?!!!!! Magpakatao ka din!!!! Nawalan sila ng mahal sa buhay iho?'!! Sino ngaun gsto magpasikat?!!!! Malamang sumikat sya kc nsa news sila!! Hindi kasalanan ng tao un!!!! My pinaghuhugutan ka ata iho?!!! Hndi nila aq kamag anak o ano p man. Halatang ang gsto m lng eh ipagtanggol ang paaralan mo. Normal n magdemanda mga magulang nila dahil napakasakit ng ngyare sa kanila. Dugot laman nila inalagaan buong buhay nila mawawala nlng ng ganun. Marahil hndi kpa nawalan ng gf o anak ng ganun nlng din pra ka magsalita nlng sa kapwa m ng gnyan???? Hndi ikaw ang nsa sitwasyon nila pra ka magsalita nlng ng gnyan. Wag m itulad ang lahat sayo. Iba iba tayo. God Bless sayo. Puro ka pagdadasal ni wala sa gawain ng taong madasalin o my takot sa Diyos ang gnyang mapanghusgang Tao! Magdasal ka at the same time isaayos mga ginagawa mo. Iapply mo sa totoong buhay mga salita ng Diyos.
ReplyDeleteNakinig ka ng mga balita pra humusga hindi para maintindihan ang sitwasyon! Kung tlagang wala kang pakialam s mga komento ng iba bakt napakadeffensive m?!!!! Bata ka pa!!! Hindi nalalaman s ikli ng samahan ang laki ng pagmamahalan ng isat isa!!!! Kung ikaw sasabihan m ung HIRO n magpakalalaki ikaw ba nasabi m dn s sarili m yan?!!!!! Magpakatao ka din!!!! Nawalan sila ng mahal sa buhay iho?'!! Sino ngaun gsto magpasikat?!!!! Malamang sumikat sya kc nsa news sila!! Hindi kasalanan ng tao un!!!! My pinaghuhugutan ka ata iho?!!! Hndi nila aq kamag anak o ano p man. Halatang ang gsto m lng eh ipagtanggol ang paaralan mo. Normal n magdemanda mga magulang nila dahil napakasakit ng ngyare sa kanila. Dugot laman nila inalagaan buong buhay nila mawawala nlng ng ganun. Marahil hndi kpa nawalan ng gf o anak ng ganun nlng din pra ka magsalita nlng sa kapwa m ng gnyan???? Hndi ikaw ang nsa sitwasyon nila pra ka magsalita nlng ng gnyan. Wag m itulad ang lahat sayo. Iba iba tayo. God Bless sayo. Puro ka pagdadasal ni wala sa gawain ng taong madasalin o my takot sa Diyos ang gnyang mapanghusgang Tao! Magdasal ka at the same time isaayos mga ginagawa mo. Iapply mo sa totoong buhay mga salita ng Diyos.
ReplyDeleteIf you really intend for him to get through all these, then pulling him down (i.e. accusing him of using the death of Mitch for fame and attention) at his worst days is clearly not an effective way to do it.
ReplyDeleteDon’t get me wrong. I’m not accusing you of getting advantage of a tragic situation for your selfish intentions. I won’t go as low as you did. I’d like to clarify a paragraph I included in the latter part of my previous comments:
“Ang punto ko lang dito: Huwag naman sana magamit ang pagkamatay ni Mitch at ang pagluluksa ni Hiro para sa ikasisikat mo. Huwag mong gamitin sina Hiro at Mitch para sumikat. Hindi kita pinapakialamanan RJay. Hindi ko din alam ang intensyon mo sa blog na ‘to, pero sana mali ako na gusto mo lang ng madaming likers/followers. Sana nga mali ako.”
Those were almost the exact words you said to Hiro. Only that, it was addressed to you. Just giving you a taste of your own medicine. Sucks, right?
These comments you are receiving right now from people who do not seem to agree with your points do not imply that we are close-minded, nor are we looking for someone to blame. But it would be nice to acknowledge that sometimes, with the things we say, we go overboard and infringe wrongly on other people’s lives.
P.S. I’m not a fan nor am I a ‘supporter’ of Hiro as how you would refer to those disagreeing with you. I laid down my points in a way that you could have considered too before jumping into conclusions and being this ‘what-to-do-during-grief’ guru.
P.P.S. Huwag din kasi sana maging sarado ang isipan mo. Yun lang.
Ay sorry kuya ah, ang hirap hindi magreact sa napakainsensitive mong opinyon.
ReplyDeleteUnang una sa lahat, namatayan ka na ba ng mahal sa buhay? Yung tipong hindi mo inaasahan? Ako hindi pa pero yung sakit na nararamdaman ko sa pagpanaw ng pitong estudyanteng ginusto lamang maexempt sa finals ay abot langit. Wala akong kakilala ni isa sa kanila kabilang na ang mga kaanak nito pero kung ako ngang hamak na tagapanood lamang ng balita eh tumutulo ang luha sa pagpanaw nila, yun pa kayang pamilya nila mismo?
Sino ka para maliitin ang buhay ng pitong estudyanteng namatay? Sino ka para sabihin sa mga pamilya ng mga namatay kung anong dapat maramdaman? Ikaw na rin ang may sabi wala kang karapatan pero bakit ang lakas naman ng loob mo na diktahan sila? WALA KANG KARAPATAN NI KATITING.
"Pero kahit ano'ng sakit ang dulot nito sa ating damdamin, dapat nating harapin ang realidad. Tanggapin ang katotohanang wala na sila."
ReplyDeleteWhaaaat?? Naririning mo ba ang sarili mo? Try mong pakinggan. Ang daling sabihin no? Kasi wala ka sa posisyon nila eh. Pakiramdam mo ganun lang kadali yun? Paalala ko lang sayo namatayan ho sila ng kapamilya, ibig sabihin ho kahit kailan hindi na sila babalik. Ilagay mo ang sarili mo sa kinalalagyan nila at baka sakali maramdaman mo ang sakit. Tama ka, ang buhay natin ay pahiram lamang ng Diyos. Pero ang pangyayaring ito ay hindi dapat nangyari in the first place. Pitong buhay ang nasayang dahil sa kapabayaan ng unibersidad na pinakamamahal mo. Mabuti sana kung ginawa nila ang responsibilidad nila, na may teacher na kasama, na may dalang emergency tools, etc., naiwasan sana di ba? Sana nasagip ang buhay ng mga nasawi.
Yung pakiramdam na nagpaalam lang sayo ang anak mo na pupunta sa fieldtrip tapos makikita mo sya sa susunod bangkay na? Naging magulang ka na ba? Ako hindi, bente uno anyos pa lamang ako, marami pang hindi alam sa buhay pero ikaw ilang taon ka na ba? Kung hindi ka naging magulang, huwag kang magsalita. Bakit hindi mo itanong ang mga magulang mo kung anong mararamdaman nila kung isa ka sa mga nasawi sa insidente? Tanungin mo sila kung magiging ganun lang kadaling tanggapin. Tanungin mo sila kung masasabi nilang "MAIKLI LANG ANG BUHAY. Hindi mo man isipin ang KAMATAYAN, isa lang ang sigurado, darating ito sa iyo, sa akin, at kahit kanino, kaya iukol natin ng maayos at matalino ang bawat oras at araw na mayroon tayo sa mundong ito" gaya ng sinabi mo. Alam mo ba kung gaano kasakit sa isang magulang ang ilibing ang anak nila? Almost two decades nilang ibinuhos ang dugo't pawis nila mapabuti lang mga anak nila tapos dahil lang sa kapabayaan ng unibersidad na pinagkatiwala nila ang mga anak nila ganun ang mangyayari?
Mahiya ka naman sa sinasabi mong "Nakikiramay ka". Mabulaklak ka lamang magsalita pero ang konteksto ng blog mo ay wala sa ayos. Sino ka para husgahan yang Hiro na yan? Kinilabutan ako sa linya mong "Hindi ako basher ah. Pero 6 or 7 months ay hindi pa naman gaano katagal." Hindi ka pa basher ng lagay na yan? AT ANO KAMO HINDI PA NAMAN GANON KATAGAL? O.M.G. Iho, ulit ulitin mong sabihin sa sarili mo yan hanggang marealize mo na walang katuturan yang sinasabi. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama nyo. Nasa kung anong klase ng relasyon ang mayroon kayo, nasa pinagsamahan nyo yun sa maikli o mahaba mang panahon. Sa pananalita mo, hindi ka pa siguro nakakaramdam ng true love at nalulungkot naman ako para sayo. Ihalimbawa nalang natin ang isang babaeng nagkaroon ng 5year relationship at sinundan ng 6month relationship. Nang tinanong ko sya kung bakit mahal na mahal nya yung lalaking nakarelasyon nya ng anim na buwan eh kung tutuusin nakaya nyang magmove on dun sa limang taon nyang nakarelasyon, ang sagot nya sakin "Wala sa haba ng panahon yan. Nasa pagsasama nyo. Hindi mo naman makokontrol ang paglalim ng pagmamahal mo sa tao base sa panahon." Sorry ah, sobrang babaw naman ng tingin mo sa pagmamahal. Wala kang karapatan manghusga, sino ka para sabihing gusto lang nya ng likes at followers? Uulitin ko sayo, WALA ka sa posisyon nya. Hindi mo alam kung gaanong sakit ang nararamdaman nila, so please lang wag kang umakto na parang ang dali dali lang ng pangyayari. Wag kang umaktong parang alam mo lahat. Lahat ng tao may kanya kanyang paraan para makamove on at kung yun ang paraan nya, LET HIM BE. Karapatan nya yon as long as wala syang inaagrabyado. Isa pa, please define "magpakalalaki".
ReplyDeleteNagkasala ang pinakamamahal mong eskwelahan, kailangan nilang maturuan ng leksyon para hindi na maulit ang pangyayaring ito. Maaaring pito lamang silang namatay kumpara sa libo libong estudyanteng natitira sa eskwelehan mo pero sila BUHAY SILA. Pwede pa rin nilang makamit ang mga pangarap nila kahit saan mang eskwelahan pero yung pitong namatay, WALA NA. Ang mga pangarap nila para sa sarili nila at ang mga pangarap ng pamilya nila para sakanila, hindi na mangyayari kailan man.
Instead na payuhan mo ang ibang tao na lawakan ang pang-unawa, bakit hindi mo itake ang sarili mong payo? Ang lakas mo kasing makahanash sa pang-unawa, pero ikaw ang nangunguna sa pakitiran ng utak.
(1)
ReplyDeleteKung sasagutin ko ang mga comments nyong negatibo, sasabihan nyo akong defensive. Kung ipagtatanggol ko ang sarili ko laban sa mga matatalino niyong komento, sasabihin niyo affected ako, pero pwede nyo ibalik sakin bakit sinabi ko na hindi mahalaga sa akin ang comments nyo? Nakuha niyo ang punto? Wala akong control sa gusto niyong isipin. Iniisip nyo ang gusto niyong isipin. Minamasama ang bagay na akala niyong uri ng panghuhusga at pagmamagaling mula sa akin.
Una sa lahat maaari ngang hindi ko pa naranasan mawalan ng anak dahil hindi pa ako magulang. Pero wala po akong nakita sa isinulat ko na pinagbabawalan silang magdalamhati at magsampa ng kaso kung kanino man nila gusto. Hindi ko sila pinakikialaman. Madali nga para sa akin sabihing “kailangan natin itong tanggapin” kaysa sabihin kong “buhay pa sila, natutulog lang, o babalik sila”. Nasaktan kayo dahil iniisip niyong wala akong respeto sa nararamdaman nila ngayong pangungulila sa anak nila? Pero yun ang totoo di ba – WALA NA SILA. Ano ang masama sa pagsasabi ng katotohanang masakit pakinggan? Nangangahulugan ba itong dapat maranasan ko din ang naranasan nila bago ko sabihin ang totoo –WALA NA SILA. Alam kong hindi ganon kadali tanggapin yun, pero inuulit ko, hindi ko pinakikialaman ang gusto nilang gawin sa buhay nila. Ang nasabi ko ay aking opinyon, wala man nagtatanong, wala man humihingi, ang opinyon ko ay mananatiling opinyon ko. Nasayo kung ano ang gagawin mo, tulad ng ginagawa ng iba, sang-ayon at di sang-ayon. Ikaw ang bahala sa reaksyon mo. At nirerespeto ko ito. Dapat nga siguro kayong mag-comment ng ganyang bagay sa akin dahil siguro naranasan niyo na din ang naranasan nila. Namatayan na din siguro kayo ng anak. Nakikiramay ako.
(2.)
ReplyDeleteWala nga din ako sa katayuan para sabihan si Hiro ng gusto niyang gawin sa facebook o twitter niya. Hindi ko nga dapat pakialaman ang pag-log-in niya sa facebook, o kung nakukuha pa niyang magcheck ng status habang sinasabi niyang nasasaktan siya at nagdadalamhati. Wala din akong karapatan pakialaman ang panghihingi nya ng simpatiya sa mga taong hindi naman niya kilala at hindi siya kilala ng personal (facebook friends, twitter followers, fans), dahil kung tutuusin tanging malapit na kaibigan, at kapamilya lang ang makakapagpagaan ng nararamdaman niya. Magpalalaki siya. Ang ibig sabihin ng pagpapakalalaki sa konteksto ko ay magpakatatag, lakasan ang loob, lumaban, magpatuloy, mag-move on. Ang dali nga siguro para sa akin sabihin yun at may nagtatanong kung ano ang alam ko sa love? Ano nga ba ang kahulugan ng love para sa teenager? At ano ang love para sa matagal ng mag-asawa? Iba-iba tayo ng pananaw diyan dahil iba-iba tayo ng sitwasyon at mahal sa buhay. Iba-iba ng paraan para magwork ang relationship. Hindi ko sinabing hindi pagmamahalan ang 6 o 7 buwan nilang pagsasama. Ang opinyon ko lang ay makakita pa din siya ng iba na ikakasaya niya at ikakasaya din ng kasintahan niyang nawala bigla. Muli hindi ko siya dinidiktahan kung kailan at kung paano.
May mga nagagalit sa akin na kilala daw nila si hiro. Mayroon naman hindi daw nila kilala si hiro pero nararamdaman ang sakit na nararamdaman niya. Kilala mo man si Hiro o hindi, ang tanong kilala mo ba ako? Iniisip mong hinuhusgahan ko si Hiro, pero sino naman ang nagbigay sayo ng karapatan para husgahan ako? Nasalat ko ang damdamin niyong sensitive, pero sino ang nagpahintulot sa inyo na sabihan akong insensitive? Nirerespeto ko ang mga tagapagtanggol ni Hiro pero hindi ako kaaway dito. Tinatanong niyo ako kung ano nararamdaman ko dahil ibinabalik niyo sa akin ang mga nasulat ko? Wala. Bakit naman ako masasaktan sa isang bagay na hindi naman totoo? Hindi niyo ako kilala mga ate at kuya kagaya ng hindi niyo kilala ang mga involve dito lahat. Kung si Hiro nga at ibang pamilya ng biktima hindi pinansin ito bakit naman kayo sobrang affected? Makitid pala ang utak ko, bakit PINATULAN niyo itong blog post ko? IBIG NIYO BANG PATUNAYAN NA MALAWAK ANG UTAK NIYO O NANGANGAHULUGAN ITONG MAGKASING-KITID ANG UTAK NATIN PARE-PAREHO?
Tandaan: Iba-iba tayo ng opinyon at nagkataon lang na ang blog ko ay para sa opinyon ko. Huwag niyo ako hikayatin kung iba ang opinyon nyo at pinapalabas na mali ang opinyon ko sa pamamagitan ng mahabang paliwanag na gumamit ng wikang banyaga na kung tutuusin mas maiintindahan ko sa wikang Filipino. Tama para sayo ang opinyon mo kagaya ng tama para sakin ang opinyon ko. Ano problema mo dun? Kung gumawa ako ng blog para isulat ang opinyon ninyo at hindi ang opinyon ko, sino ang niloloko ko?
Maraming salamat dahil sa kabila ng sinasabi mong walang kwenta at puro kakitiran lang ng utak ang nasa blog ko ay pinag-aksayahan mo pa ring basahin. Saludo po ako sa inyo at sa talino niyo.
If you opt to take a stand on a certain issue and have it posted on social media, be open for arguments since it will surely ignite clashing opinions. Wag kang pikon kuya. If you thank those who agree with you, don't thank those who do not in a sarcastic way. =)) Argue in a healthy manner. Welcome both sides.
ReplyDeleteI understand that you stand firm on your beliefs but I could see as well that you have swayed away from what we're really arguing about, that you resorted to attacking the people and not the arguments themselves.
"Huwag niyo ako hikayatin kung iba ang opinyon nyo at pinapalabas na mali ang opinyon ko sa pamamagitan ng mahabang paliwanag na gumamit ng wikang banyaga na kung tutuusin mas maiintindahan ko sa wikang Filipino."
Lol sorry about that I just so happened to be more comfortable "sa paggamit ng banyagang wika" =)) Do you have something against that too (just because I do not agree with your claims)? Go ahead attack all you want. :)
I am keeping this short because this thread has become so pointless already and has started to be a complete waste of time as what you've always been claiming. Although I was able to once again prove that empty cans really do make the loudest noise. :)
I am resting my case. Good luck with everything R-Jay. :)
Maraming salamat Ms. Charina Jimenez. Sana sinabi mo din sa sarili mo yan bago ka nagpost ng comment ng kung ano-ano. Hindi nga siguro ako nag-aral sa magandang eskwelahan katulad ng pinag-aralan mo (UP nakita ko sa google+ mo), marahil kaya din malakas ang loob mong sabihing pointless lahat ng ito ay dahil matalino kang tao at ako'y isang normal na tao lang. Pero kahit ganoon pa man ay sana maunawaan mo ang mga bagay na gusto kong iparating sayo (kahit wikang Filipino ang gamit ko).
ReplyDeleteUna sa lahat, hindi ko kayo inaatake, kayong mga may negatibong komento, baka gusto mong basahin yung ibang komento ng mga may kasing -lawak ng pag-iisip mo at pakisagot ito: "Ako ba inaatake nila?" (Parang tinadtad mo ata ng komento ang post na ito? Hindi ba pag-atake yan?)
Pangalawa, kapag nag-pinta ako ng larawan ng ibon pero ang tingin mo dito ay palaka, wala akong magagawa doon. Ako ang mas nakakaalam ng ipininta ko. Ako ang magsasabi na ibon talaga yun.
Pangatlo, kung ako ang ikinukumpara mo sa isang latang walang laman, nakakatuwa naman na pinansin ako ng isang latang sagana sa laman.
Pang-apat, ano bang argumento ang gusto mo at bakit kailangan kong makipag-argumento sayo? Kung walang kwenta ang blog ko, bakit pinansin mo? Kung puro walang kwenta ang nandito, ipamalita mo din sa iba ng hindi na nila pag-aksayahan ng panahon bisitahin ang blog ko.
Panglima, nag-isip ka na naman ng isang bagay na hindi mo pa naman sigurado, pinaratangan mo akong "pikon" dahil sa komento ko.
Ms. Jimenez, wala po akong magagawa kung ganyan ang iniisip mo sa post ko at sa akin mismo. Utak mo ang nagdidikta ng gusto mong paniwalaan. Kaya utak mo din tiyak ang susundin mo.
Ititigil ko na din ang pagdaragdag ng comment dito sa post ko na ito at tiyak ibabalik ninyo na naman sa akin ang mga naisulat ko. Kayo ang umatake sa akin ng negatibong komento, ibinabalik ko lang sa inyo ang pabor. Sinasabi mong maging patas ako sa mga positive at negative comments? Sa tingin ko wala naman ako dapat sabihin sa kanila dahil wala naman silang mahabang paliwanagang hinihingi na tulad ng hinihingi mo sa akin ngayon.
Hindi ka pala kumportable sa salitang Filipino, dapat tumutol ka sa pag-aalis nito sa asignatura sa kolehiyo para hindi matulad sayo ang ibang Pilipino na hindi komportable sa sarili niyang wika. Wala akong sinasabing pangit sa paggamit ng Ingles, pero ang punto ko, kung kapwa Filipino ang kausap mo, managalog ka. Hindi sukatan ng talino ang salitang banyaga kung yan ang gusto mong patunayan.
Naiintindihan kong kaibigan mo si Hiro tulad ng sinabi mong HS classmate mo siya, pero sa kagustuhan mong ipagtanggol siya, inakal mong masama ang mga naisulat ko. Sige ipagtanggol mo siya Ms. Jimenez, pero sa tingin ko kaysa pag-aksayahan mo ng oras itong blog ko, kailangan ka ng kaibigan mo. Sabihin mo sa kanya yung sa tingin mong makapagpapagaan sa damdamin niya hindi yung dito mo sa post sinasabi. Itexy mo siya, tawagan, o puntahan sa bahay. Ikaw ang bahala.
Good luck din sayo at sa inyo! Mabuhay kayong matatalino dahil pag-asa kayo ng ating bayan!
Haha wala akong sinusubukang patunayang ganyan. Pero kung 'yan ang nais mong isipin, sige lang, bilang napatunayan ko na rin naman na kahit gaanong paliwanag at pakikipagtalo ang gawin, walang paraan para mabago ang paniniwala mo. =))
ReplyDeleteAt kung ikatutuwa mo, oo. Tinutulan ko at ng maraming estudyante mula sa unibersidad ang pagkakaalis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Marami kaming pagkilos laban rito. Nakakahiya naman kasi kung matulad ang mga estudyante sakin, hindi ba? Sobrang nakakahiya talaga.
Gayunpaman, hindi porket banyaga ang wikang gamit mo, pinakikita na nito na hindi mo mahal ang bayan mo. Pareho ng hindi porket diretso ka managalog, ay isa ka ng makabayan.
Nakakatawang isipin na nakarating na dito ang usapan. Ito ang mismong sinasabi kong wala nang patutunguhan pa ang debateng ito dahil mismong ako na ang kinekwestyon mo at hindi na ang mga argumento ko. =))) Pati pagiging taga-UP ko nadamay na rito. =)))
"Good luck din sayo at sa inyo! Mabuhay kayong matatalino dahil pag-asa kayo ng ating bayan!"
Maraming salamat. :) Pwede rin ikaw, kung gugustuhin mo. :)
Salamat. Gagawin ko yan! Pipilitin kong maging matalino, hindi man kasing talino mo, kahit konti pipilitin ko. :) At isa pa palang bagay ah, bilang pang-huli, hindi ako galit sayo at sana ikaw din hindi ka galit sa akin. Gusto ko magkaroon ng pagkakataong makita ka at makausap sa personal at makipagkaibigan. Isang karangalan sa akin yun. :) Salamat ulit! :)))
ReplyDeleteAbout kay hiro at micth.. hnd q cla klala.. pero ung mga bagay na gnwa ni hiro nung nabubuhay pa c mitch, mabibilang mu nalang ngaun ang mga lalaki na kayang gumawa ng ganun.. ibig sabhn gnwa nia lahat un kc mahal na mahal nia c mitch.. kaya kng anu man ang pnagdadaanan nia ngaun for sure ang sakit.. napakasakit.. kaya walang cnu man ang may karapatang humusga sa nararamdaman ni hiro ngaun.. hnd nman cguro nia intensyon na gmitin c mitch para sumikat.. nagkataon lang na nung mga panahong nabubuhay pa c mitch marami na talagang humahanga sa kng anong meron cla.. at wala sa haba ng pagsasama para masabi mo na mahal na mahal mo ang isang tao na d mo xa kayang mawala.. kasi sa maikling panahon na un napatunayan nila kng ano ang ibig sabhn ng love.. kng paano pahalagahan ang relasyon.. bakit ung ibang magkakarelasyon jan na inabot na ng taon ang pagsasama.. ni minsan ba naranasan nila ung kiligin, sumaya, mahalin ng walang katulad gaya nilang dalawa.. wala sa haba ng pagsasama yan, wala sa edad.. nasa puso yan.. hnd aq basher ng author nito.. sakin lang respetuhin nalang sana natin kng anu man ang pnagdadaanan ni hiro sa mga panahong to.. cguro ung iba never nio pa naranasan magmahal at may magmahal ng walang katulad.. god bless you all..
ReplyDeleteMatalinong argumento between the author and commentator! Nakakilig! <3 Bagong Hiro and Mich! Jk lng po. Peace! (wag nyo po ako e firing squad):(
ReplyDeleteKuya, unang una sa lahat ang gusto ko lang sabihin sayo ay isa kang MAPANGHUSGANG nilalang. Kung ikaw man ay nahusgahan sa paningin mo, iyon ay dahil nanghusga ka. Kung ikaw man ay nakakuha ng mga negatibong komento, iyon ay dahil nagbigay ka ng mga negatibong komento sa isang isyung napaksensitibo.
ReplyDeleteSa lahat ng taong nagsabing wala silang pake sa opinyon ng iba, ikaw ang may pinakamalaking pake. Sa susunod na gusto mong magmagaling sa isang isyung sensitibo, ihanda mo ang sarili mo sa mga taong hindi sasang-ayon sa opinyon mo. Makipag-argumento ka ng may laman. Yung may kabuluhan. Hindi yung "idol" namin si Hiro. "Matalino" kami. Yung opinyon ang atakihin mo, hindi mismong yung taong hindi sang ayon sayo. Yada yada yada.
Hindi kamo pinansin ng mga kaanak nya tong post mo? MALAMANG KUYA. Alam mo ba pinagdadaanan nila? HINDI. Feeling mo lang alam mo. Wala silang oras sa mga ganitong bagay lalo na sayo dahil masakit pa rin sa kanila yung nangyari.
Wag kang masyadong magaling kuya. Hangad ko sayo hindi mangyari sayo to? Dahil baka may magsabi sayong "WALA NA SYA. TANGGAPIN MO NA." Eto lang naman yun kuya eh, hindi naman ikaw ang may pinagdadaanan kaya madaling magdikta. Madaling sabihing magpakatatag. Na kesyo ganto ganire gagawin mo pag nangyari sayo to. Eh saludo ako sayo kuya, ANG STRONG MO. Ipagpaumanhin mo, hindi lahat ng tao sa mundo kagaya mong malakas.
Ang pagmamahal wala sa haba ng panahon o edad o kahit ano pa man. ANG PAGMAMAHAL AY PAGMAMAHAL. Ngunit ako nama'y siguradong hindi mo ito maiintindihan kahit anong mangyari kasi hindi mo alam ang tunay na kabuluhan ng pagmamahal base sa mga argumento mong walang laman.
Hangad ko sayo? Makahanap ka ng tunay na pagmamahal. Para balang araw kainin mo yang mga sinasabi mo :)
Idol ko tong author na to. Lupit mo. Nakakapag taka dahil maraming hindi sumasangayon dito nakakapag taka matatalino naman sila sa mga kumento nila pero hindi nila nakuha yung punto ng blog na to.
ReplyDeleteBilang isang blogger, dapat alam mo kung pano magsulat at kung paano bumuo ng isang salita na hindi nakakasakit o nakakoffend sa damdamin ng iba. Dapat alam natin kung pano magpadala ng isang mensahe sa paraang tama at paniguradong may matututunan ka.
ReplyDeleteNung nabasa ko ito at yung mensahe mo kay Hiro, may mga parte dun na tama ka. Pero sa puntong nagsulat ka pa at gumawa ng ganito, mali ka na. Hindi mo kailangang pangaralan ang isang taong wala sa sarili lalo na sa mga panahon ng kanyang kalungkutan. Alam kong alam mo ang pakiramdam kung pano mawalan. Hindi nasusukat ang pagkalalaki sa ganung paraan. Dahil kapag puso na ang umiral at nasaktan, kahit gaano ka pa katigas, lalambot at lalambot ka lalo na pag mahal mo na ang pinaguusapan.
Mali si Hiro sa paraang nagpopost siya ng mga ganung bagay at dinadaan niya sa pag post ang nararamdaman niya para kay Mitch. Hindi natin masisisi ang taong iyon kung ganoon ang naisip niyang paraan para mailabas ang nararamdaman niya. Gaya nga ng palagi nating sinasabi, MAGKAIBA TAYO NG MGA UGALI at kung paano magdala ng ating mga sarili. Wala tayong alam at wala tayong ideya sa nararamdaman niya. Kaya wala tayong karapatang panghimasukan at pakialaman kung ano man ang nangyayari sa kanya. Kahit pa mali siya sa mga ginagawa niya. Isa kang blogger, hindi ba? isa sa mga katangian ng isang blogger ang palawakin ang pagiisip niya para mga sitwasyong nangyayari araw araw. Kaya niyang balansehin at alamin ang mga tama at mali. Kung ang pinopoint out mo dito ay ang pagpopost ni Hiro ng mga nararamdaman niya sa social media, so ano pang point nating mga blogger? Mali pala, nagfi-feeling lamang ako sa pagiging blogger. Ano pang point ng mga taong nagba blog ng mga karanasan at kanilang mga nararamdaman kung ganoon? Na kung ikaw, sarili mo, nagpopost ng ganito dahil ganito din ang nararamdaman mo? Hindi ba't wala lang din kayong pinagkaiba ni Hiro? Kung mali man ang pamamaraan niya para mag move on, hayaan nalang natin siya. Hindi natin pwedeng turuan ang isang tao lalo na kung lugmok na lugmok siya sa ganitong mga panahon. Hindi mo pwedeng sabihing magpakalalaki siya sa ganitong mga sitwasyon, dahil kahit anong klase kang tao, pag nawalan ka ng minamahal sa buhay, nababaliw ka, nawawala sa sarili. At kung hindi ka nanghuhusga sa kanya, ayusin mo ang mga linyang sinasabi mo. "Hindi kita pinakikialaman pare, hindi ko din alam ang intensyon mo sa mga status mo, pero sana mali ako na gusto mo lang ng madaming likers/followers. Sana nga mali ako." sa dating palang ng pagkakasabi mo, ikaw na mismo ang nagpapatunay na nanghuhusga ka. At doon sa sinasabi mong positibo sa pagpapatampok ng lovestory nila sa MMK. Kung puro mali ang nakikita mo, bakit hindi mo subukang maghanap ng kahit katiting na magandang bagay sa kanila? Bakit hindi mo hanapan ng leksyon sa buhay mula sa storya ng buhay nila? Dahil kahit sabihin nating pinagkikitaan lang sila ng media, isa naring paraan yun para makakuha tayo ng leksyon sa buhay at matuto sa mga bagay bagay. Maraming positibo at kahit negatibong bagay sa mundo. Kanya kanya nating hinaharap at nasa sa iyo nalang kung paano mo malalagpasan ang mga bagay na nakapalibot sayo. Salamat.
Hindi mo rin ako naunawaan Mr.Marx, pero kung iyan ang tingin mo, ayos lang sa akin. Salamat sa pagbibigay ng komentong may punto. '"Pagpapakalalaki' ano nga ba ang ibig kong sabihin dun? Pinipigilan ko ba siyang umiyak? Hindi. Binabawalan ko ba siyang makaramdam ng emosyon na normal maramdaman ng isang nagdadalamhati? Hindi. Ang nais ko'y magpakatatag siya, yun lang! Walang big deal.
ReplyDeleteTama ka nga na responsibilidad ko bilang blogger na balansehin ang mga bagay-bagay at tingnan ito ng patas, ngunit ikaw mismo "one sided" ang pagkakabasa mo sa blog posts ko. Hindi sa lahat ng oras mauunawaan si Hiro ng mga tao sa social media, katulad ko at katulad din ng mga taong kaparehas ko ang palagay. Parang ako din, hindi lahat nauunawaan ang mga posts ko dito sa blog ko. Hindi ko alam ang motibo ni Hiro, pero malinaw sa akin na kaya ako nagba-blog ay para sabihin ang aking opinyon at hindi magpasikat at maghakot ng madaming likes. Karapatan nga niyang gawin ang anumang gusto niya para maka-move-on at hindi ko siya dinidiktahan. Naisulat ko ang mga bagay na yun hindi bilang "instructions" or "what to do" na sususndin niya kundi para may marealize siya.
Mga pangit ba ang nakikita ko? Hindi ba responsibilidad naman talaga nating gumawa ng magandang bagay? Kung may maganda sa istorya nila, aba normal yun. Pero bakit nga ba sa pangit ako nakatuon? Simple lang, para iparating na hindi lahat ng napapanuod natin ay totoo. Sigurado ka ba yun ang talagang nangyari? Yung naipalabas sa MMK? O pinaganda lang nila para mas mabigyan ng diin ang ganda?
Huwag mo isipin na panghuhusga ang isang opinyon o kritisismo na naglalayong magpaisip sa isang tao ng mga bagay-bagay. Tulad kay Hiro, kung puro magandang komento ang makukuha nya, nasaan ang pagkabalanse doon? Baka iyon pa ang maging dahilan para "lumaki" ang ulo niya at isiping tama lahat ng ginagawa niya. Inuulit ko, hindi ako nanghihimasok at nakikialam.
Minsan ang kritisismo ay hindi masama lalo kung gagawin mo itong tuntungan para maging mas mabuting tao ka.
Sa pagkawala ng isang tao o isang bagay sa buhay natin, nandoon ang oportunidad para lumago at mamunga ng sagana. Salamat.
R-Jay, tulad mo, isa ako sa mga tumutol sa pagpopost ni Hiro ng mga bagay na nararamdaman niya sa kanyang Facebook account. Isa ako sa mga hindi sangayon sa mga ginagawa niya at pamamaraan niya sa pagmomove on niya. At dahil dun, mas inisip kong ganoong tao nga siya gaya ng sinasabi mo sa kanya. Hindi ko inisip at nakita ang magandang bagay tungkol sa buhay niya.
ReplyDeletePero napagtanto kong kailangan ko munang isipin ang sitwasyong pinagdadaanan niya bago ako manghusga. Doon ko naisip kung gaano kasakit mawalan ng minamahal sa buhay. Tulad niya, nawalan narin ako. At kung mawalan man ako ngayon, siguro ganoon din ang magagawa ko.
Hindi ako yung taong "one sided" gaya ng sinasabi mo. Pero ako yung taong pinakikinggan ang mga opinyon ng magkabilang panig. Gaya ng sabi ko, may mga punto ka sa mga sinabi mo. Pero maling mali ka sa pamamaraan mo. Hindi naman natin kailangan ng pangunawa sa ibang tao kung talagang hindi nila tayo mauunawaan. May kanya kanya tayong pagiintindi sa mga bagay bagay. Gaya nga ng sabi ko, may kanya kanya tayong buhay. At may kanya kanya tayong pamamaraan kung paano natin ito masosolusyunan.
Kung ganyan man ang pinapakita ni Hiro, bakit hindi nalang tayo ang magpalawak ng ating isipan para intindihin na lamang at hayaan siya sa kanyang buhay? Hindi nakakatulong ang ganito para sa kanya sa mga panahong ito. Dahil kahit ano namang sabihin ng iba, walang makikinig sa kanila at magmumukha lang silang masama.
Wala akong tinutukoy sa pagpopost mo ng opinyon mo dito. At nakikita ko sa mga reply mo na ikaw ang "one sided" dito. Sariling opinyon mo ang iniisip mo at pinaglalaban mo.
Hindi ko iisipin na panghuhusga ang isang bagay kung hindi ganoon ang dating ng mensahe mo. Bakit? Sa tingin mo ba ay nakatulong ito kay Hiro para magising siya sa mga bagay na ginagawa niya? para maisip niya na ganoon na pala ang tingin sa kanya ng ibang tao?
Tanging oras lang at kaisipan ni Hiro ang makakatulong sa kanya para matanggap at magising siya sa katotohanan. Sarili niya lang ang makakatulong sa sarili niya para makalimutan at makabangon siya mula sa pagkakadapa at hindi ang kritisismong sinasabi mo.
Hindi uubra ang salitang yan sa taong lugmok na lugmok sa mga panahong ito.
Salamat.
Not to be rude pero.. ang kitid ng utak mo sa post mo na to. Oops. Not to be on Hiro's side entirely. Oo, medyo OA na yung ganun reaction na ni Hiro na tipong pagkamalan na syang nababaliw pero you or anyone has no right to judge what Hiro feels. Kung kayo nasa kinakatayuan ni Hiro at mahal mo yung nagkaganon gaya ng nangyari kay Mich, i'm sure magiging sobrang devastated din kayo. LALO NA KUNG NASA WAKE KA AT ARAW ARAW MONG NAKIKITA ANG BANGKAY NG MAHAL MO. Duh! Tsaka yung about pa sa sinasabing ginagamit ni Hiro yung pagkamatay ni Mich, bullshit. Before pa mamatay si Mich, before pa sila maging magkakilala ni Mich, sikat na si Hiro. Nabibigay ka na nga lang ng opinion mo, assumero ka pa. Hindi ka naman kasi dapat talaga nagppost ng "opinion" mo in the first place lalo na kung ganito yung situation. Keep your thoughts to yourself! Kung nakikiramay ka, makiramay ka lang! Di yung mangengeelam ka pa. Okay na kasi yung unang post mo. Yeah you had the positive and negative points there. Ayun na nga eh, may positive at negative na tapos nagpost ka pa ng ganito. I dont know kung sobrang judgemental ka lang or sadyang ang kitid ng utak mo. Ano, naghahakot ka din ba ng fans mo? Dont worry its working naman. Infamous nga lang. Hater ako, oo. Hater mo. Stop trying.
ReplyDeleteMr. Marx, minsan napipigilan tayo ng"takot" na makasakit ng damdamin para sabihin ang katotohanan. Pero minsan kailangan natin ito para din sa atin. Hindi ko hinahangad na sundin ako ni Hiro at paniwalaan niya ang mga naisulat ko. Pero pinapanindigan ko lahat ng ito. Kung nag-post ka sa social media, bukas ito sa lahat ng maaaring maging interpretasyon (sabi ni Boy Abunda), at sang-ayon ako. Kagaya ng mga nagbabasa ng mga posts ko, iba-iba ang interpretasyon ninyo dito. Tama ka na si Hiro lang ang makakatulong sa kanyang sarili kung handa na siya sa takdang panahon. Wala man sense para sa kanya at sa mga taong nakikidalamhati sa kanya ang post na ito, hindi ko naman hinihingi ang pag-sangayon nila dahil ang masusunod pa din sa huli ay ang damdamin nila. Hindi ko intensyong mangialam o manghusga kagaya ng sinasabi mo. Nagkataon lang na nasalat ko ang sensitibong damdamin ng mga mambabasa at napatunayang posible ngang totoo ang mga nasabi ko.
ReplyDelete(para sa ibang komento)
Tanggap ko na may pagkakamali ako at hindi sa lahat ng pagkakataon ay palaging tama. Oo, trying-hard blogger lang ako, inaamin ko yun. Pero hindi masusukat ng mga naisulat ko kung ano ang buong pagkatao ko, parte lang ng aking isipan ang ibinabahagi ko sa inyo, hindi ang "buong ako". Natutuwa ako dahil sa pagkasulat ko nito, pinaratangan ninyo akong "makitid ang utak", "mapanghusga", "hater", o "basher", pero mas higit akong natuwa nang mapatunayan kong magkaparehas tayo na "makitid ang utak", "mapanghusga", "hater", at "basher" base sa mga komento ninyo.
Hindi ko kayo pinipigilan magalit o maasar sa akin at sa mga naisulat ko pero sana alam ninyo kung hanggang saan ang limitasyon ng mga kinokomento ninyo. Iminumungkahi ko na kung tingin ninyo sa akin ay "makitid ang utak" (tulad ng ibang komento) at mapanghusga, pwede ninyo namang hindi na lang pansinin ang mga posts ko. Dahil kagaya ng sinabi ninyo, "baka ginagamit ko lang din ito para sumikat" kaya huwag ninyo nang pag-aksayahan ng panahon at oras para hindi na ako maging feeling famous.
Maraming salamat.
R-Jay, hindi takot ang nangingibabaw na pakiramdam ng isang tao kung bakit ayaw niyang magsabi ng isang bagay. Kundi ang katotohanang nagiisip muna ng tama bago sila magkomento at magbitiw ng mga salita. Hindi yung kung ano ang mismong nararamdaman at naiisip mo sa mga oras na ito, ay siyang bigla mong sasabihin at ibabato sa isang tao. Kung hindi mo hinahangad na sundin ni Hiro at paniwalaan ang sinulat mo, ano pang punto ng pag gawa mo nito?
ReplyDeleteAt oo nga pala, ano pang punto ng pag post mo ng mensahe mo sa kanya na kung mas ikabubuti ay isend mo nalang sa kanya ng direkta? Hindi ba? Kung wala kang nakikitang mali sa mga ginagawa mo, paumanhin, ngunit mas wala akong nakikitang tama sa ginagawa mo. Hindi mo intensyong mangialam, ngunit sa punto palang ng sinasabi mong wala kang pakialam pero lahat ay nasabi mo na dito, anong gusto mong isipin ng ibang tao?
Tulad ng sabi mong "trying-hard blogger" ka lang, hindi ba't sapat na yun para mapagtanto mong hindi mo dapat pinanghihimasukan ang mga sensitibong bagay na katulad nito? Pare-parehas lang tayong mga basher dito. Ngunit ikaw lang ang mapanghusga dito. Dahil kami, binabase namin ang pagkukomento sa pinag-gagawa mo at mismong pananalita mo.
Hindi ka rin namin pinipigilang magalit o maasar sa mga sarili naming kumento, ngunit dapat alam mo na at nakasaksak na sa utak mo kung hanggang saan lang ang limitasyon mo sa pag bablog. Pwede mo namang hindi nalang pansinin ang mga posts ni Hiro. Kaya huwag mo nalang pag-aksayahan ng panahon at oras para hindi ka maging feeling famous.
Kung gusto mong humanap kami ng magandang bagay sa blog mo, hinihiling din namin na humanap ka ng magandang bagay sa buhay ng ibang tao.
At oo nga pala, nakalimutan ko, hindi ako isang Mr.
Salamat.
- Marx Peñones
SALUDO ako sa author sa malawak nyang isip at opinion at kuro kuro. kahali halinang basahin. malayong malayo sa opinion katwiran ng mga bumabatikos sa author damang dama mo ang hinanakit at kawalang katwiran sa knilang mga mensahe kakitiran ng isip ang namumutawi sa knilang mensahe. katwiran na tila bagang labing 14 na taon gulang na lumulutang ang murang isip sa pag ibig na tila mo gagawin ang lahat masunod lamang. nakakalungkot, ang adhikain lamang ay imulat sila sa katotohanan at reyalidad ng buhay, bagkus ay akusahan ka pang naninibugho at naiingit lamang sa simulat sapul tanging katanyagan ang minimithi. ayoko nang isa isahin pa at alam ko na sarado ang knilang isipan. MABUHAY KA AUTHOR wg kng padadaig sa kanilang baluktot na pangangatwiran.
ReplyDelete# Marx Peñones! malinaw pa tubig na ikaw ay may pinapanigan, karapatan mo yan. pananaw mo yan. inilalahad lng ng awtor ang kanyang pananaw.ano po bang isyu ang ating tinatalakay dito? linawin po natin. ituon nlng po natin kay HIRO, tungkol sa ibinabato sa kanya alegasyon na sya nagpapa pansin lamang ba o hindi? simplehan nalang po natin ang isyu, OO ba? o HINDI? una, hindi naman po natin sya kilala, katulad ko hindi ko sya kilala. ibabase ko nlng po cguro sa nakikita ko sa mga modernong makikipag kominikasyon tulad ng FB na aking nasaliksik na sya daw ay isang ordinaryong studyante sa isang unibersidad ng lalawigan ng bulakan. meron daw syang talento kung saan naging tanyag sya sa unibersidad sa larangan ng pag indak o pagsayaw kung saan kinahumalingan sya ng kabataang mag aaral. napansin ko sa kanyang talaarawan sa modernong pakikipag kominikasyon ibat ibat larawan na nangyayari s pang araw araw nyang buhay na nakalathala na bukas sa publiko, mga liham pag ibig, liham paalala na kung inyong mababasa ay kikiligin ang isang dalaga kahit hindi pra sa knya at kung anu anu pang gimik pangpakilig na kung ako'y isang tinedyer bka idolohin ko pa sya s galing nya manamit at diskarte eka nga sa salitang kanto s larangan ng panunuyo s isang dalaga na nanaisin mo. iyong mapapansin na taglay nya ang katangiang bihira sa ibang binata ang pagkadalubhasa sa larangan ng panunuyo at pagpapakilig sa isang dalaga. Ngayun hindi ko po kailangan sya kilalanin ng personal pra mkilala sya ng lubos, dahil sa simpleng talaarawan sa buhay nya na nilalathala nya sa publiko ay repleksyon ng katangian nya ay sapat na upang akoy humusga ayon sa aking pananaw. "OO"
ReplyDeleteBalagtasan, huwag mong hintaying maging sarcastic ang sagot ko sayo. Mas hinihiling ko nalang ngayon na basahin mo ang mga kumento ni Marx Peñones at Marx Montilde upang mas labis na maintindihan mo ang punto ko dito. Hindi ko na hahabaan ang sagot ko, dahil nasabi ko na rin lahat ang gusto kong sabihin at ayoko ng ulit ulitin.
ReplyDeleteSalamat.
MARX > ang inyong pananaw ay aking naiintindhan. Nag daan na din ako dyan sa ganyan estado ng kaisipan at hilaw na pagpapasya. noong ako'y nasa estado at impluwensya na "puppy love" sa salitang ingles, mababaw ang aking kaligayahan dahil lutang ang aking isip at limitado lang. inuulit ko. naiintindihan ko po kayo, sana ganun din po kayo skin. salamat po.
ReplyDeleteBalagtasan, kung hindi mo lubos maintindihan ang punto ko, huwag ka nalang makipag argumento, dahil kahit sumagot ako sayo, ganun at ganun lang din ang din ang gusto kong ipaintindi sayo. Wala lang ding patutunguhan ang pagdadahilan ko kung mababaw ang pag-iisip natin pareho.
ReplyDeleteSalamat.
Pasensya sa maling pag type. Gusto ko lang ding idagdag, kung sa tingin mo ay di kaaya aya ang ganitong paguugali at estado ng kaisipan at sa tingin mo ay malawak na ang iyong pag-iisip gaya ng gusto mong ipahayag, bakit mo pa ito pinapatulan at pinanghihimasukan?
ReplyDeleteAng malalawak ang pag-iisip ay hindi nakikipagsagutan at binabaling nalang ang atensyon sa mas importanteng bagay. Paulit ulit kong ipapaintindi sayo na gaya ng sabi ko, ang ugali ni Hiro ngayon ay hindi mo ma-kokoreksyunan. At hindi ko siya pinapanigan, sadyang wag lang panghimasukan at walang basagan at dahil sa linyang sinabi mo na hindi mo din pala siya kilala, kung manghusga ka at magsabi ng mga salita ay hindi nalalayo sa pag-iisip ng isang musmos na bata.
At dahil wala namang patutunguhan ang usapan nating dalawa, iiksihan ko nalang ng magkaunawaan tayo ng maaga aga pa, masyadong mahaba ang mga sinasabi ko sayo, pwes, iiksian ko nalang na kung sa madaling salita, "Walang basagan ng trip."
Salamat.
MARX> humahanga ako sa inyong pangalan. ang iyong pangalan ay hango sa isang tanyag na lider ng isang bansa na maprinsipyo at may idolohiya pang politikal at ekonomiya na taliwas at nmalayong malayo sa iyong idolohiya de pagibig. mas mainam pa sana kung CHIco & delamar nalang po ang ginamit nyo? hehe nagbibiro po lamang. ipapaintidi ko din po syo kung akoy musmos katalakayan, cguro kayo ay sanggol? at hindi po ako nambabasag ng trip(lenguaheng tinedyer, jejemon.) ang aking pananaw at pagpapasya lang po ay ayon sa aking nakikita sa kanyang katangian. at uulitin ko, wala ako pakialam sa kanya at hindi ako nanghihimasok. blog lang to, punahan lang.
ReplyDelete...salamat po chico este delamar este MARX pla. hehe nagbibiro lang po.
Catherine Isip > anu pong ipinaglalaban natin? KALANTURAN? hehe biro lang po. makatwiran po kayo sa iyong saloobin. naniniwala po ako sa iyo, ipagpatuloy nyo lang po ang inyong pinaglalaban, laban ng puso, sa ngalan ng pag ibig. mabuhay po kayo.
ReplyDeleteBalagtasan, hindi ako nag comment sa blog na ito upang makipag-usap sa hindi ko alam kung may mapapala ako at matututunan mula sayo. Kung punahan lang pala ang sinasabi mo, aba'y ano pa't binabalik mo lang sa akin ang mga sinasabi ko, hindi ba? Sa ilang taon ko palang dito sa mundo, nagpapasalamat ako na kahit bata pa ako ay mas mapapatunayan kong marami din palang may edad na, pero wala sa wastong pag-iisip pa. Hehe.
ReplyDeleteAt sinasabi ko sayo, mas mainam ang maging sanggol dahil tahimik lang ito at walang ibang sinasabi. Ang mga batang katulad mo ay kailangan pa ng patnubay ng magulang upang hindi puro kalokohan ang nasa isipan. Kung ako sayo ay magpatimpla ka nalang ng NIDO sa iyong mga magulang. Hehe.
At huli kong idadagdag, huwag ka nalang gumamit ng salitang tagalog upang hindi ka mahirapan. Dahil ako ang mas nahihirapan para sayo. Ito ay payo mula sa isang sanggol na katulad ko.
Salamat.
hahaha. kakatawa ka MARX. mas mamarapatin ko pang maging sanggol kaysa katulad mong nasa wastong isip pero taliwas sa kanyang sinasabi. ang magpayag ng pananaw na ayon sa kanyang karanasan at pinagdaanan ay wala pala sa wastong isip? ayon sa isang tinedyer na ito na hindi pa hinog sa realidad at mundong ginagalawan nya.
ReplyDeleteAng payo ko nlng syo iha, makinig ka ng radyo, makinig kay Jo demango at chico and delamar para mahasa pa yan isip mo sa larangan ng pakikipagtalastasan tungkol sa usaping pagibig. doon cguradong lahat sasang ayon sa gusto mo at kikiligin sa mga payo mo.
Salamat po.
Pagpaumanhin sa Awtor,
ReplyDeleteHabaan at lalong palawakin ang isip ginoong Awtor dahil sa aking pananaw hindi ka titigilan tuligsain ng mga myembro ng kapatirang KKKK ( Kalanturan, kaartihan, kakirihan at Kalandi-landiang) anak ng bayan.
Hello balagtasan. KALANTURAN? Haha ipagpaumanhin mo kuya pero hindi ako makikipargumento sa taong kagaya mong makipagusap. Sa pananalita mo pa lang na hindi kaaya-aya, hindi na kita papatulan. Ipagpatuloy mo ang ganyang pagiisip at pakikipagargumento dahil wala akong pake sayo :)
ReplyDeleteAt sa author nito, sa susunod kuya kung di mo kayang panindigan ang mga sinusulat mo wag mo ng isulat. Imbes na buburahin mo, nakakahiya di ba? :) Sana hinayaan mo makita ng lahat kung paanong pati apelyido ko isinama mo sa argumento mo. Sa kabilang banda, that says a lot. =)
Catherine Isip (k) > hindi kaaya ayang magsalita? (ikaw din yun). haha. may paninindigan ka? totoo yun, kitang kita nman sa paninindigan mo, walng duda. ipaglaban ang karapatan ng (KKKK)
ReplyDeleteAt kakitiran ng utak na kagaya mo, hindi ba balagtasan? HAHAHAHAHAHAHAHA! Hindi ko lubos maisip kung paano mo naiintindihan ang bawat salitang sinasabi ko sa mga pahayag ko para sayo. Ako na nagsabing ako ang sanggol, tapos ikaw naman ang sanggol. Ano ba talaga, kaibigan? Baka gusto mong tayo nalang dalawa ang sanggol?
ReplyDeletePaumanhin author, I rest my case. HAHAHAHAHAHAHAHAHA salamat sa blog mo, nung una may natutunan ako kahit papano, pero ngayon, mas paiiralin ko pa ang kalandian ko kesa makausap ang taong ito. ^
At para sayo aking minamahal na Balagtasan, sobrang laki ng pasasalamat ko sayo, abot langit iyon kung tutuusin. Dahil kung maituturing kong mahina ang utak ko, nagpapasalamat ako't nandyan ka para mas tapatan yun.
Salamat. HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA =)))))))))))))))
Ms. Isip, hindi dahil humingi ako ng paumanhin sa mga sensitibong damdamin nangangahulugan nang tinatalikuran ko ang aking naisulat, sadyang hindi ko lang hangad na makasakit ng mga tao. Sa punto ng pananalita mo ay parang inihahalintulad mo ako sayo na nagkokomento dito para makasakit ng damdamin ng iba dahil lang sa pinapanigan mo ang isang taong hinahamon ko sa aking post. Wala kang alam sa napag-usapan namin ni Hiro kaya wala kang karapatang kwestiyunin ang pagbura ko sa post "bago ipalabas" ang MMK.. Hindi dahil namamayani sa isipan mong sarado na ako'y mapanghusga, nangangahulugan na iyong wala akong respeto sa mga tao. Huwag mo akong itulad sayo dahil kahit wala kang punto sa mga sinasabi mo at masyado kang masakit magsalita, ipinipilit mo pa rin yung sayo ang TAMA. Inuulit ko, pinapanindigan ko lahat ng sinulat ko dito. Salamat.
ReplyDeleteHinihingi ko ang pahintulot mo Marx para gamitin ang ang sarili mong komento:
ReplyDeleteIto ay para sa lahat;
"At dahil wala namang patutunguhan ang usapan nating dalawa, iiksihan ko nalang ng magkaunawaan tayo ng maaga aga pa, masyadong mahaba ang mga sinasabi ko sayo, pwes, iiksian ko nalang na kung sa madaling salita, "Walang basagan ng trip."
Salamat."
At Ms. Isip, wag mong isipin na binura ko yun dahil sa komento mo o kahit sino pa, o dahil natatawa kang ginamit ko ang aplido mong dapat ikaw mismo ang gumagamit ng tama para mahasa iyan. Tandaan mo, EPAL KA LANG DITO at hindi ikaw ang pinapatungkulan ng mga posts ko kaya nagtataka ako na bakit nakikisawsaw ka. Tulad ng sinabi ko, may pag-uusap na naganap sa amin ni Hiro at nirerespeto ko siya. Siya talaga ang may karapatan para mag-react sa mga naisulat ko at dahil na-explain ko naman ang sarili ko at na-explain sarili niya. Ok na. Pero buo pa rin ang aking isipan na ang pagmamahal ng "teenager" ay hindi maituturing na true love kagaya ng pinupunto ko sa aking blog post na binura, pero dahil kagaya mong bulag ang mga bumabasa, mas natutuon sa "pang-ba-bash" kay Hiro ang dating sa inyo ng punto ko. Inuulit ko, kagaya ng kinomento mo kay Balagtasan, WALA AKONG PAKIALAM SAYO AT SA MGA SASABIHIN MO.
ReplyDeleteBalagtasan, salamat sa pagkaintindi mo sa punto ko, pero kahit ano gawin mong paliwanag sa mga yan, di nila makukuha. Ang lawak o laki ng isipan ng isang tao ay nakadepende sa kung paano nila naunawaan ang kanilang binasa.
Salamat.
Masyado ka ngang maraming sinasabi Marx, pabayaan natin si Hiro anoman ang gawin sa facebook nya tutal sa kanya naman yun, at pabayaan mo din akong gawin ang gusto ko sa blog ko tutal akin naman ito. Kung alam mo ang mga pamantayan ng ayos at tamang pagba-blog, i-apply mo na lang sa blog na ginagawa mo. Ikaw na bahala at kung nais mong sabihin na ikaw ay isang huwarang blogger, sige paniniwalaan ko yan kung gusto mo. Kung may limitasyon ako sa pag-ba-blog, may limitasyon din si hiro at kahit sino sa pagpopost sa social media, may limitasyon din kayo sa pagkokomento, tapos babalik na naman tayo sa PABAYAAN NATIN KUNG ANO ANG GUSTO NIYANG GAWIN KANYA NAMAN YUN. Pero bakit nga ba sa kanya nakatuon ang usapin na ito samantalang hindi lang naman siya ang binigyan ko ng mensahe. Bilang huli, ang tanong lang naman na nakapagbigay sa inyo ng sari-saring rekasyon ay: Ginagamit ba ni Hiro si Mitch para sumikat? Nagpapapansin ba siya sa facebook at twitter?- Siya lang naman ang makakasagot nun at hindi kayo, hindi tayo. Kung tama ang aking pakahulugan doon, wag kayo magalit, kung mali, tatanggapin kong mali ang aking pakiwari sa kanya. Pero sinabi naman niya sa akin sa facebook na hindi daw totoo na ginagamit niya gf nya at nagpapapansin siya, eh di HINDI. Tapos.
ReplyDeleteGinoong awtor> pagpaumanhin syo at naging matalim ang aking dila at naging malisyoso dahil ginamit ko lng ang sariling LENGUWAHE nila.
ReplyDeleteSalamat.
MARX > Nkakatawa talaga, hahaha. eh di umamin ka din na nakikipag debate sa ngalan ng Kalanturan ng kapatiranng KKKK. pa marx-marx kpa dyan. hehe.
ReplyDeleteHAHAHA. Sinapubliko ang opinyon tapos epal ang hindi sasang-ayon? I rest my case. What a joke. HAHA
ReplyDeleteHAHAHA. Sinapubliko ang STATUS ni Hiro tapos mapanghusga, basher/hater ang hindi sasang-ayon? I rest my case. What a joke. HAHA
ReplyDeleteNakakatuwa po ang mga nabasa ko dito.. >_<
ReplyDeleteBago pa po magpost c kuya blogger, may ganito na rin po akong pakiramdam (tungkol po kay hiro).. alam ko pong ang simpleng pagtingin sa fb acct nya ay hindi sapat para kilalanin ang isang tao, pero bahagi din po kc ito nung tao.. kahit papaano po ay makakakilala ka ng isang tao sa pamamagitan nito..
Binasa ko po itong blog at mga comments dati pa po.. at nung nalaman ko pong ipapalabas sa MMK ang love story nila, naisipan ko pong hintayin ito dahil sa totoo lang po, hindi ko po naiintindihan ang sinasabi nilang "hirap" na pinagdaanan sa pag-ibig.. hindi po ako katandaan at hindi din po ako ganun kabata pagdating sa pag-ibig at sa buhay..
Matapos ko po mapanood ang MMK, hindi ko pa din po maintindihan ang sinasabi nilang hirap na dinanas.. Marahil nag-expect kc ako ng kind ng hirap.. Hirap ba dahil sa age gap? Hirap kc ilang beses nasawi sa pag-ibig si hiro bago makilala c mitch?
Maganda po ang naging relasyon nila. Dahil kay mitch natulungang magbago si hiro. Ganun naman po diba dapat ang healthy relationship? Ang pagbabago po ay nasa tao mismo.. Ang kanyang paligid at mga nakapaligid sa kanya ay tumutulong po sa pagbabago..
Kahit sinong tao (buhay man o nasa ibang lugar na), gugustuhin ang ikabubuti ng mga mahal nila.. Hindi po dito natatapos ang ikot ng mundo..
Nakakatuwa din po na nakapg-usap kayo (rjay and hiro).. Ibig po sabihin nagkaintindihan kayo or may napagkaunawaan na.. Meaning.. ok na, tama ba?
Para sa mga hindi maka-relate or "open minded", ginamit ni hiro si mitch.. Para sa mga maka-relate, fans, at "open minded", ginamit ni rjay si hiro at mitch, etc.. --- parehas lang po silang naglabas ng saloobin.. parehas pinuna.. at ang mga pumuna (kasama po ako) ang nagbigay kulay sa issue na ito..
partly kasalanan ni hiro.. partly kasalanan ni rjay.. bakit?.. kung hindi sila naglabas ng saloobin, walang ganito, walang media coverage, tahimik ang pagluluksa at kung ano pa man.. pero hindi po ito ang nangyari.. patahimikin na lang po natin sila at unawain sa kanilang mga opinyon at saloobin.. lahat naman po tayo may karapatan.. depende na lang po kung paano po ito gagamitin, kung anong limitasyon at kung ano pa man..
oo nga po pala, kasalanan din po ito ng mga taong hindi naman talaga kilala ni hiro personally at ng social media.. kasalanan din po ito ng mga taong tumangkilik at nag-participate..
salamat po at sana'y tapos na po anf sinasabi nyong bash dito at bash doon.. ang importante po ay may natutunan tayo dito.. ang buhay po natin ay mahalaga.. gamitin po ito para paunlarin ang sarili..
SIi CATHERINE ISIP > pinagtawanan ang sarili nyang kagagahan hahaha. mabuhay ka catherine! KKKK for partylist 2016
ReplyDelete@Aili, sumangsangayon ako syo. mabuhay ka.
Konsepto ng Pagdadalamhati Ngayon:
ReplyDelete1. I-flood ng malulungkot na status ang facebook timeline mo ng mensahe para sa taong namatay kahit kaharap mo lang ang kabaong niya.
2. Magpainterview sa lahat ng programa sa television para paulit-ulit na maalala ang sakit at pangungulila sa taong namatay. Pahirapan ang sarili.
3. Pumasok sa showbiz.
Ngayon ninyo sa akin sabihin na hindi niya ginagamit ang girlfriend nya sa pagpapasikat. Hindi man niya aminin, malinaw na ito ang ginagawa niya. Huwag ninyo sa akin sabihin na, yung media ang nag-ooffer sa kanya. Tandaan, may choice tayo para manahimik kung talagang nagdadalamhati tayo. Ok na yung MMK pero yung KMJS parang halata na ang intensyon nya. Inuulit ko, walang masama sa pangarap na kasikatan, pero ang masama kapag masyado defensive pero halata naman ang totoong motibo. Goodluck sa career ng idol ninyo. Ipagpray natin na sumikat siya ng todo. :)
Si Maiko Bartolome (RIP), parte ng showbiz pero may ingay ba kayong narinig mula sa mga kamag-anak niya? Di ba wala? Yun yun eh! May choice ka para gawing pribado ang pagdadalamhati mo at magbigay respeto sa tinatawag mong mahal.
Pero inuulit ko, hindi ako nakikialam sa buhay ng may buhay, sa mga oras na ito mas lumilinaw na tama ang aking kuro-kuro.
SA ORAS NA INIHAYAG MO SA MEDIA, SA TV, AT SA PUBLIKO ANG KWENTO NG BUHAY MO, PARA MO NA RIN BINIGYAN NG KARAPATAN ANG MGA TAONG PANGHIMASUKAN KA AT HUSGAHAN. KAYA HUWAG KANG MAGREREKLAMO KUNG MAY MGA TAONG MAGSASALITA NG PANGIT SAYO. CHOICE MO YAN. HINDI LAHAT SASANG-AYON SAYO. TULAD NG GINAGAWA NG ILAN SA INYO SA BLOG KO. Maraming salamat! :)))
malinaw pa sa tubig haha.
ReplyDeletekawawa nman si author d nya alam mga sinasabi nya. ikaw kaya mawalan ng mahal na mahal mo sa buhay mo? kakainin mo sinasabi mo. baka magblog ka araw2 tungkol sa sakit. hindi kayo pareho ng pinagdadaanan. lumaki sya ng wala syang parents na gumagabay. kaya di mo alam kung bakit yung gf nya ay sobrang mahal nya na naging buhay na nya. kung maka husga ka parang alam na alam mo.
ReplyDeleteAigie, hindi ko sinasabing hindi niya mahal. Hindi yun ang issue. At hindi ako ang dapat mong kaawaan kundi si Hiro dahil tulad nga ng sinabi mo nawalan siya ng mahal sa buhay at alam mo pala ang kwento ng buhay nya. Ang gusto ko lang naman ipunto ay ginagamit nya si mich kahit sabihin niyang hindi nya intensyon. Ang tunay na nagdadalamhati gusto ng privacy dahil tulad ng sinasabi ng karamihan walang makakaintindi sa sakit na nararamdaman niya kahit ang mga netizens na nagpaparating ng pakikiramay sa kanya. Kung gusto man niya sumikat sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para diyan. Bakit di muna siya magbabang-luksa di ba? Pero wala nang dapat pagtalunan. Masaya ako dahil sa kabila ng pagsasabi ng ilan na walang laman ang blog na to, napatunayan ko namang may "posibilidad" na tama ang aking mga kuro-kuro. Maraming salamat. :)
ReplyDeleteAt isa pa, mag-isip ka muna bago mag-komento. Hindi ko pinipigilan siyang malungkot at magdalamhati o umiyak at mangulila. Tuwing magbabasa ka susubukan mong intindihing mabuti ang binabasa mo. :)
ReplyDeleteHindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)
ReplyDelete